Skip to content

Kritisismo at Eksperimentasyon sa Pelikula

19 Mar 2008

TALASTASAN

Sa e-group ng Sinewaya isinasagawa ang pinakamadudugong mga digmaan. Dito nagtatagisan ang mga pananaw – minsa’y magkakahawig, kadalasa’y magkatunggali. Iisa ang tunguhin ng talastasan: ang mapatalas ang ating pag-unawa sa pelikula bilang porma ng sining, ekpresiyon, at sandatang pangkultura.

Mula ngayong isyung, pana-panahong ilalalabas ng online journal na ito ang nilalaman ng mga nagaganap na talastasan sa pagitan ng mga miyembro ng Sinewaya.

Isang kolum ni Nestor Torre na pinamagatang “Why some new filmmakers’ movies don’t quite work” (Aug. 3, 2005, Viewfinder, PDI) – at sagot dito ng filmmaker na si Lav Diaz – ang pinagmulan ng mahabang talastasan sa pagitan ng mga miyembro ng Sinewaya.

Sa nasabing kolum, pinasaringan ni Torre ang mga “baguhang” filmmaker na lumahok sa Cinemalaya Film Festival na may mga “mahahabang” pelikula, dahil aniya, hindi lalampas sa 90 minutos ang regular na “feature films.”

Pinuna ni Diaz – direktor ng ilan sa pinakamahahabang pelikulang Pilipino sa kasaysayan – si Torre na aniya’y “hindi naman nito naiintindihan (ang independent cinema)…at wala(ng) authority para magsalita tungkol dito.”

“Ano ba ang pelikulang nagawa niya (Torre)?” tanong ni Diaz. Sinabi rin ni Diaz na “(n)aghihiganti (lamang si Torre) dahil pinagtawanan ‘yung pelikula niyang ginawa noon.”
Dahil sa mga pahayag na ito, lumutang ang ilan sa mga katanungang ninais sagutin ng mga miyembro ng Sinewaya sa talastasang ito:

Sino ang may “karapatang” mamuna sa pelikula? Makabubuti ba para sa pelikulang Pinoy ang ekperimentasyon? Kailan ito makakabuti at kailan hindi angkop? Kailan nagiging mapangahas ang manlilikha para maiangat ang pamantayan ng kanyang sining? Kailan siya nagiging esoteriko at napapalayo sa odyens?
Kenneth Guda: Siyempre, mahirap tawaran ang integridad ni Lav Diaz. Ngayong panahong anghirap maging filmmaker dahil krisis (pakaunti nang pakaunti ang nanonood ng pelikula), hindi biro ang ginagawa niyang pagbuhos ng talento at panahon sa paggawa ng mga pelikulang siguradong hindi rin mapapanood ng maraming Pilipino. Pero ang tanong, hindi ba nagiging elitist ang filmmaker kung gagawa siya ng pelikula na, sabihin nating, 5 hanggang 8 oras ang haba, knowing fully well na kakaunti lang ang makakapanood nito? Ang ibig kong sabihin, hindi ba elitism ang paggawa ng pelikula na hindi accessible sa mga manonood maliban sa iilang may panahon at resources na panoorin ito?

Ang tendency to make esoteric his/her work ay mas malakas sa ibang fields, tulad ng visual arts, na madalas na solo lang na ginagawa ng artist ang artwork niya. Pero sa filmmaking, mas malakas ang hatak sa populism dahil collective endeavor ito (notwithstanding yung pagturing nina Godard na solong “auteur” ng pelikula ang direktor).

Siyempre choice ng filmmaker kung gagawa siya ng mga pelikulang ganyan. Artist siya, eh. Bahala siya kung anong gusto niyang gawin sa art niya. Pero kung gagawa ba siya ng pelikulang hindi accessible, masisisi ba niya kung may matawag siyang elitista?
Mga tanong lang ito para mapagsimulan ng diskusyon dito.

Iris Pagsanjan-Estrera: Maliban sa agree akong nagiging elitist ang isang artwork dahil sa pulitika ng estetika (kung walong oras kang manonood, sayang din ang sahod mo sa isang araw diba? napaka-flippant din naman nito sa material conditions), resources, motibo, etc., ang tanong ko naman: Hindi ba maaaring bumuo ng isang kritisismo sa isang pelikula hangga’t wala ka ring nagagawang pelikula?

Natanong kasi na “ano raw ba ang karapatan ni Nestor Torre magsalita?” “Ano na raw ba ang mga nagawa nitong pelikula?” or something like that. So halimbawa, ako, wala pa akong nagagawang pelikula, ni shorts man lang wala, ibig sabihin ba ’non bawal na akong makisawsaw sa intellectual disputation? Is the field of criticism exclusive to those engaged in actual production work? Hindi naman natin minamaliit ang efforts ng mga alternative and/or independent filmmakers, kung kaya’t basta-basta na lang natin silang sasabunin at shashampoo-han (shit ang corny ko). Tulad nga ng sinabi ni Kenneth, this does not preclude how laudable the efforts of Lav Diaz and other filmmakers are especially in these times. Pero does being outside the circuit of production bar one from engaging in debate and criticism?

Sorry, alam kong ibang anggulo ang pinupuntirya ni Kenneth. Sa puntong ito naman ako nakiki-devil’s advocate.

Sig Sanchez: 2 hours mahigit ang pelikula kong lasponggols. 2:41 to be exact kasama ang apat na trailers at ang docu sa unahan na, huhuhuhuhuhu, hindi pa rin ata napapanood ni papa Ken. Ibig ba sabihin “elitista” ako doon? Or sa “ang anak ni brocka” which is 2:40 (ha! That doesn’t make me a Lav Diaz kasi mas mabilis ang second film ko by one minute)? Ang kasagutan lang naman doon sa Lasponggols, halimbawa, ay lumipat ako ng production house matapos makaaway ang orihinal na editor at di ko nadala ang mga naunang na-capture nila at na-digitize na footages kaya hindi ko na ma-edit ang mga pwedeng ma-edit. Sa Ang Anak ni Brocka naman, sa UP screening nga ay tumatakbo na ang pelikula ay hindi pa lumalabas at natatapos i-render ang third tape. Dun din namin sa UP napanopod siya ng buo at medyo nagsabi nga sa sarili namin na “Hmmm, mukhang mahaba nga.” Yun nga masarap sa digital kumpara sa film. Sa film, kung paano mo natapos, ang hirap na magre-edit kasi mahal at makain sa panahon.sa digital, It’s a never ending exercise. Nag-eevolve siya. Baka next time mong makita ang pareho kong pelikula ay 15 seconds na lang siya. O kaya ay opening credits pa lang ay tapos na. o baka naman mas mahaba pa sa next film ni Lav na “heremias”. May running joke nga kami last time na nagkita-kita kami nina Lav, Ato Bautista, Erwin Romulo at Alexis Tioseco sa Cubao na tinatawanan ni Lav ang comment ni Nestor Torre na nahabaan siya sa more than two hours na pelikula ko. Sabi ni Ato, “E, short film lang ni Lav ‘yun!” hahahahahahahaha…
Depende rin siguro ang haba. May aesthetics ang cinema. Sa Ebolusyon, naiintindihan ko kasi title pa lang “ebolusyon” means talagang makikita mo ang pag-evolve at pagtanda ng mga characters, pangyayari, at iba pa. Kaya, hmmm, logical nga na medyo matagal.

Sa west side naman, yung bagal na nararamdaman ni Joel Torre doon, yung longing niya, yung andar ng kaso, lamig ng panahon, etc., ay sumasabay sa bagal din ng daloy n film at naka-steady lang na galaw ng kamera. Sa Lasponggols, hindi kami nag-dolly o nag-crane kasi ayon sa script ay backwards ang barrio kaya ang movement ng kamera namin ay simple rin lang ang compositions. Nag-zu-zoom in-zoom out pa nga minsan, pan left, pan right kasi di ba yun ang mga una nating gagawin kapag may kamera tayo? Di naman tayo agad magke-crazy shots. zoom in, zoom out, pan left, pan right muna. Sa Ang Anak ni Brocka naman, magulo ang kamera. parang docu, handheld lahat ng shoot ng grupo.

Kasi documentary team sila at talagang may nagsu-shoot ng kamera sa kanila. Mismong mga kameraman ay kasama sa bilang ng mga bumoboto kung dapat nga bang ituloy ang pagsasaliksik nila kung may anak nga ba si direk Brocka. May tatlong look pa ang kamera, kamera ng grupo nina Nonie Buencamino, kamera ng TV station nina Shamaine Centenera na glossy kasi para silang Channel 2 or 7, at mata ng anak ni Brocka na sumisilip-silip sa kanila. The camera is used as a device in telling the story. Nasa interpretasyon mo sa istorya ang paggamit mo ng kamera. Sa filmmaking na kinalakihan ko, eto sa tingin ko ang tamang pagkukuwento at paggamit ng kamera. Nahahabaan tayo minsan dahil hindi tayo sanay. Would you believe that there’s a five-year film na tumatakbo pa ngayon entitled “The Searchers” at walang nagrereklamo at sa halip ay pinupuri pa nga at iniidolo ang filmmaker. Jon Red is one of those who idolizes that filmmaker. I just forgot his name.

Sa russia at sa Germany kung saan kahit nasa mababang antas sa lipunan ay bukas naman ang utak sa kultura ay accepted ang mga mahahabang pelikula basta nararamdaman nila ang mensahe mo. Sa tingin ko, ayon nga sa cultural workshop na inattendan ko nung bata pa ako kay Alice Guillermo, dati ay sarado ang utak ng mga tibak na porke’t nag-Ingles ay hindi na pwedeng sabihing nagsusulong ng natdem. Na coño na agad ang tingin. Pero kung susuriin natin, ang isang tao bang nag-i-Ingles pero nagsasalita naman sa pagsulong ng pambansang demokrasya ay mas less dapat tingnan kesa dun sa nagsasalita sa sariling wika pero panay naman kabastusan o kalokohan ang sinasabi? Ganun din siguro sa pelikula. Puwedeng gumawa ng pelikula na kahit 24 hours o 24 years ang haba pero nagsusulong naman ng kaisipang pulitikal kesa sa pelikula ni Vhong Navarro na D’Anothers na wala pang dalawang oras at di naman nagpataas ng iyong kaisipan. Uuwi kang basura pa rin ang utak mo. I’d rather stick with the 24-hour film perhaps. Siguro din hindi elitista ang gumagawa nun kasi nagpapaliwanag siya tungkol sa kahirapan at inequality at ano ang mabuting gawin para magapi ang mga bagay na ito. Nasa tipo lang siguro ng bukas ng isip. Sarado pa utak natin sa ngayon kasi sanay tayo sa less than two hours na film. Pero kapag nasanay na tayo, baka hanap-hanapin natin. Ang sakit lang kasi natin minsan ay nagmamadali tayo kasi marami pa tayong gagawin gaya ng pakikipagkita sa syota mo o pamboboso sa kapitbahay mo na kahit abutin ka ng mahigit dalawang oras sa pamboboso ay okey lang sa iyo kasi solb ka.

Kung si papa j ba ay maisipang gumawa ng pelikula sa The Netherlands, his first indie film, at umabot sa more than two hours ang haba ay sasabihan nating “elitista”?
Isa Lorenzo: Interesting debate. Kaya jojoin din ako. With the help of lolo Mao (Zedong):
“Although man’s social life is the only source of literature and art and is incomparably livelier and richer in content, the people are not satisfied with life alone and demand literature and art as well. Why? Because, while both are beautiful, life as reflected in works of literature and art can and ought to be on a higher plance, more intense, more concentrated, more typical, nearer the ideal, and therefore more universal than actual everyday life.”

Thus between raising the standards of a certain medium and popularizing it, in my opinion, “…in present conditions popularizing is the more pressing task.” (Lolo Mao again!)
But there is certainly a need for both.

Isa pang quote from lolo mao:
“What we demand is unity of politics and art, the unity of content and form, the unity of revolutionary political content and the highest possible perfection of artistic form.”
I believe that this statement applies to all works of art and all artists (even critics). We should strive for no less.

As for Nestor Torre’s gatekeeping function, mayroon siyang hawak na kapangyarihan kaya ganun. Gusto ko pa sana itype ang defintion ni (Michel) Foucault sa power dito, pero haggard, mag-aalasdos na. Needless to say, power is never absolute, at laging may ruptures, schisms at interventions na matatagpuan sa interstices nito.
Kaya lagi at laging may puwang para sa necessary interventions (thank you Caroline Hau.)
Hawak ng bawat isa sa atin ang kakayahan na magpasiya kung ano iyon at kung ano ang pinakamabisang paraan para maaccomplish ito.

Paumanhin, inaapoy ako ng idealismo (at paumanhin rin kay Sherwin).

Yun lang po ang sa akin.

Jayson Fajarda: Ang tanong ko, meron naman kayang naging kritikal sa sistema kung bakit kelangan pang maging indie? Bakit ba namamatay ang industriya ng pelikula? Dahil ba ang mga pinapalabas ay tulad ng ‘D Anothers’? Halimbawa, bakit hindi nagtagal at napullout ang Pinoy Blonde sa ilang sinehan? May aversion ba ang mga manonood sa “hindi typical Pinoy film”? Usapin ba ito ng lengguwahe dahil ba sa exclusive ang lengguwahe ng mga artists? Anong linya, anong propaganda ang laman ng mga independent na pelikula? O independent ang isang pelikula dahil malaya ang artist na gawin ang nais niya sa pelikula? Liberal-democratic mode, o baka nag-fo-fall na rin ang production ng indie films, to quote Sarah Raymundo, sa logic of capital?

Mali naman ata ang dichotomy ukol sa pag-uukol ng panahon, na porke ba si Joma Sison ang gumawa ay linyado na, at hindi na elitista…Tsk,tsk…

Tunay naman na may pangangailanag at pressing ang necessity sa pa-re-raise ng standard kaalinsabay ng consciousness. Ngunit, sa paano ito mamanifest? Paano ang dinamismo ng estetika at pulitika.? Tama si Caloy (Picocs) sa usapin na probisyunal o pansamantalang may suspensyon ang ating appreciation, at nakakulong pa rin sa kamalayan natin bilanmg bahagi ng ating uri (ayan taas kamao na! ehehehe). Hindi naman automatic ang appreciation, much more ang pulitika ng natdem.
Karl Castro: Sa punto po ni Sig sa artistic freedom, wala pong kaso dun. We would all like to explore new ground (as is expected with the “indie” films). we would all like to use our freedom as artists in order to create innovative works which do not necessarily follow current standards, like the 1.5-hour running time.

However, this does not in any way give us the freedom to be undisciplined. Kaakibat na rin ng artistic freedom ang disiplina. Should our works not be coherent and tautly made? (unless, of course, this is the convention you are trying to break.) Whatever the running time, it should be for a purpose, and not “just because we can.”

(I would like to note the discipline in meeting deadlines – I know it’s difficult, but unfinished films/late screening do not really make a very good reputation for the indie fims. it’s professionalism, I guess. But then, there are things we can’t foresee. Let’s just not make it a habit.) Even though digital filmmaking gives us a freedom/laxity regarding editing/shooting, I still think it can never justify cluttered editing, excessive running time, and tardiness. film man o digital, pelikula pa rin ang ginagawa natin.

If it is the “enlightenment” of the audience we want, then (in agreement with you) all of our shots should be well-thought of. All the elements of our film, including running time, must be justified and used with reason and with caution.

I believe it’s more of a question of discipline, rather than aesthetics. Form follows function, sabi nga nila.

Regarding lav diaz, I watched 5 hours of his “ebolusyon,” pero hindi ko na kinaya. I was hungry, the storytelling was difficult, and basically, I believe it asked too much from its already limited audience. You ask for the audience to set aside a whole day for viewing (difficult already), then make them pay, then give them no bathroom breaks whatsoever. But then again, Lav Diaz knew these risks, I assume he consciously did the film and screened it with this in mind. so that’s him – I may not necessarily agree, but it’s his right to do so.

Kenneth/Jayson: I suppose we should delineate “elitist” from irresponsible / cluttered / disorderly. “Elitist”, I suppose targets a failure in ideology, “cluttered” targets shortcomings in skill, “disorderly” a failure in organization, and “irresponsible,” a combination of all of them. I try to take these into consideration when I assess films.
Kenneth Guda: Magaganda ang mga punto!

May punto si Karl sa sinasabi niyang disiplinado rin dapat ang artista. Pero disiplina itong dinidiktahan ng pangangailangan ng kung anong istorya at anongklaseng pelikula ang ginagawa niya. Kung mahaba ang istorya, lohikal lang siguro na maging mahaba ang pelikula. Halimbawa, kung gagawing pelikula ang One Hundred Years of Solitude, natural lamang na magiging mahaba ang pelikula, huwag lang abutin ng 100 years, heheh.

Kung sinasadya naman ng filmmaker na kakaunti lang ang makakapanood ng pelikula niya, pupuwede naman siyang mag-meander o magpaliguyligoy sa pagkuwento, tuunan ng pansin ang mga detalye ng kuwento na parang nobelang naglalaan ng kaba-kabanata sa pagpapalawig sa isang karakter o lugar.

Sang-ayon din naman ako kay Sig sa sinasabi niyang kailangang magbukas ng isip (at maglaan ng panahon) ang manonood sa mahahabang pelikula. Totoo ring maraming mahahabang pelikula, lalo na sa ibang bansa, na pinapurihan at lionized ang filmmaker. Isa lang ang napanood ko na over 5 hours – 1900 ni Bertolucci. Tingin ko justified ang haba ng pelikula dahil sinaklaw niya ang haba ng buhay ng dalawang karakter na nagmula sa magkaibang uri sa lipunan. Malinaw ang Marxist na mensahe ng pelikula, pero si Bertolucci mismo ang unang umamin na ito ang pinaka-inaccessible na pelikula niya. Siyempre, dahil mahaba.

Kaya maganda rin ang punto ni Isa. Kung layunin ang popularization, bakit ka gagawa ng pelikula na hindi papanoorin dahil mahaba? Gusto nating sa huli, panoorin ng maraming tao ang Ebolusyon at Batang Westside, pati ang Anak ni Brocka at Lasponggols ni Sig, at bumuo ng sarili nilang opinyon hinggil sa mga pelikulang ito. Pero papaano ito mangyayari sa ganitong disposisyon? Ang mangyayari, tayu-tayo lang ang manonood niyan, mga dati nang nanonood ng mga magagandang pelikula. Pero papaano uunlad ang industriya at dadami ang tagapagtangkilik ng pelikulang Pinoy sa hanay ng masa?

Pero admittedly nga, hindi lahat, kung mayroon man, na filmmakers may pakialam sa popularization. Sa ngayon siguro, ang tungkulin ng popularization nasa kamay ng cultural workers na may malinaw na political agenda (tulad ng national democrats). Pero sa mga ordinaryong filmmakers (lalo na sa mga “indie”), mahirap din sa ngayon na pilit gawing accessible (therefore catering to popular tastes) ang films nila. Paano ngayon huhusgahan ng kritiko ang gawa nila? Siguro paunti-unting pagpuna, paghikayat, paghimok. At pagpuri na rin, laluna kung may mga nagawa naman silang kahanga-hanga at kung may bahagi ng mga gawa nila na talaga namang kapuri-puri.

Samantala, patuloy pa rin ang cultural workers at buong kilusan sa “raising the standards of a certain medium and popularizing it…in present conditions.”
Sig Sanchez: Para sa akin, hindi mo talaga made-define ang “indie” filmmaking. What may be “indie” filmmaking to me may not be the kind of “indie” filmmaking to you kapag ikaw na ang gagawa. But the most important thing lang siguro sa akin ay kapag sana ginawa mo ang iyong so-called “indie” film, ay sana ay makalaya ka at maramdaman mong malaya ka at kapag nabuo mo na ang pelikula mo ay sana makapagpalaya siya ng iba pa at maramdaman rin nilang malaya sila.
Tom Estrera: Kahit hindi ineekspek sa mga filmmakers na sila ang magkalat ng obra nila, mas magiging accessible kung gagawin din nila na maging accessible ito, dibadibs. Paano? Ang sinasabi nyo ngang length ng pelikula (naaayon nga dapat), bernakular na gagamitin, at kung pasok ba sa kontemporaryong panlasa ng manonood. Ito ang naging mali ko sa dokyung Agos. Hindi patok sa mass audience ang ginamit kong paglalahad kaya nasabing passe na raw ung ganung klase ng dokyu sabi nga ng thesis adviser ko. Nakakalungkot pero dahil sa minadali ko rin ito dahil sa dami ng impluwensyang pumipigil sa akin para tapusin to, wala akong magawa. Siguro minsan nakakarelate ako sa ibang mga filmmaker na hindi rin basta gawa lng ng gawa. kelangan talagang nagsusuri at may paguunlad sa mga ginagawa mo. At least kahit gawa ng gawa, may moral lesson ka ring nalalaman sa bawat film project. Na hindi mo na uulitin ang mga nagawa mong mali noon. can relate, di ba?
Dun kay Lav Diaz naman, sa tingin ko, sinadya nya mismong gawing mahaba hindi dahil nagpapakaartsy-fartsy siya kungdi dahil siya mismo ay gusto ng pagbabago sa kasalukuyang industriyang trapo sa pelikula (secondary lang siguro ang art? Ewan ko lang). At kaya nga siya bigay ng bigay sa mga foreign film festival para (Sa tingin ko lang din.) Pansampal sa mga naghahari sa industriya na “Hello! magising nga kayo dyan!” Lumang-luma ng mga istayl nyo! NAKAKULONG PA RIN KAYO SA GANYANG SISTEMA?!” Parang ganun base sa mga naririnig ko. Na parang sinasabi niya hindi lang sa mga taga-industriya ngunit pati na rin sa masang manonood ay kelangang umunlad din sa nakasanayang mga basurang pinapalabas parati sa mga sinehan. Pero maski ang Pilipinong manonood ay hindi pa yata handa sa matatapang na obrang pagkayhaba-haba.

Dada Nartea: Call ako sa pag-agree natin sa pagwawalis ng inaagiw na kisame at pagbubukas ng mga pinto’t bintana sa haybols na kung tawagin ay pagpepelikula. Call ako sa pagpuna, paghikayat, paghimok, papuri sa mga iniluwal na mga pelikula. Call ako sa mga sayd-bay-sayd at kapwa matapang at matalas na paglikha at pagkritik.

1. Tungkol sa mga filmmakers na “gawa lang ng gawa.” Gusto ko lang maliwanagan ha – Sa tingin ko kasi una, walang ganito (pero) pangalawa, mabuti ito (parang… tooth fairy). Walang ganito – dahil hindi naman ata pwedeng “gumawa na LANG at gumawa” ng pelikula. Kahit sabihin pang mas madali na ngayon dahil sa puwede nang mag-digital; malaking pagpaplano, pagod at resources pa rin ang kailangan para ilarga ito. Sabi nga ni Tata Gil sa mga nagpapaturo sa kanya ng pagkuha ng litrato, “Basta shoot lang ng shoot.” Kung sa usapan nating hindi excuse ang mga hindi nasunod na deadline, technical lapses atbp. Para sa hindi nasinop na pelikula – sunod ang agreement na hindi mo talaga mapapanday ang disiplina at pagkagamay mo sa iyong craft kung hindi ka rin gumagawa ng gumagawa ng gumagawa tuwing may pagkakataon.

Sabi nga ni Tom, natututo sa pagkakamali. Sa I am Cubao docu (noong teenager pa ako at walang pagpapanggap na dugyot pa ang Cubao), ang shots ng yuckie Cubao ay sinabayan ko ng garalgal & yuckie AM radio drama at walang kahit anong VO. Ang grand plan noon, pagtatahiin ko ang dalawang napag-iwanan at nalaos na sa kulturang popular (AM radio at cubao dati). Tulad ng dapat asahan, sabi ng audience WTF (buti na lang binigyan pa rin ako ng maayos na grade based sa “intensyon”). Welll….Hindi pa rin ako magaling gumawa ng dokyu, pero at least alam ko na ang ilang mga bagay na dapat iwasan. Mas naging higit na maayos naman halimbawa ang Mula 3rd Ave. Siyempre kasi kolektib effort yon! Pero yun nga – mas matindi ang leksyon kung nahahalaw mula sa karanasan, sa kasong ito, sa patuloy na paggawa ng pelikula.

Syemps sasabihin natin: Dapat responsable tayo sa mga gawang ipapakita sa ating manonood. Dahil oras, pera, pagod, paniniwala sa pelikula, atbp ng audience ang binabalahura ng isang balahurang pelikula.

Pero so paano nga yon? Paano mapapatalas ng mga filmmaker (lalo na “indie”) ang kanyang sining kung kulang siya sa hasa? Kung hindi siya “gagawa ng gagawa?” Paano magiging maingat ang isang filmamaker sa inilalabas niya habang paano niya ifi-fill yung need na kelangan niya talagang magpraktis?

2. At talaga bang hindi isyu sa lahat ng filmmakers ang popularization ng kanilang mga obra? Meron nga ba talagang filmmaker na sinasadyang konti lang ang makapanood ng kanyang gawa? Halimbawa si papa Sig, kita niyo ang porma ng kanyang mga imbitasyon/releases/rebyus, daig pa ang SIPAT sa gawain ng pagpapa-popularize. And i’m sure, si Lav Diaz e hinabaan niya ang kanyang mga pelikula hindi para itaboy ang manonood, kundi dahil sa iyon ang pinaniniwalaan niyang konsepto sa kanyang obra.

Ang pagiging “aksesibol” ba dapat ay equivalent sa “pag-ayon at pagswak sa popular/kontemporaryong panlasa”? Kasi kung tama ang paralelismo ko dito, hindi kaya maaaring mawaglit dito ang eksperimentasyon, pag-risk, pagtayo sa gilid ng bangin?

Kasi sabi natin, er, ni lolo Mao, “raising the standards of a certain medium and popularizing it…in present conditions.” Maari bang tingan ang isang mahaba, inaksesible, elitistang pelikula ni Lav Diaz bilang pag-aangat sa “standards of a certain medium”? At maari bang proyektuhin ang popularization nito “… in present conditions”?
Ang ibig kong sabihin, maaari bang gumawa ka ng pelikulang sa simula’t sapul, in form halimbawa e dehins popular, pero kalaunan e proyektuhin mo na mailapit ito sa masa, at itahi sa materyal na kondisyon ?

Kenneth Guda: Hindi ba pag gusto mong maging aksesibol, may sasakyang kang popular na panlasa / temper? Baka hindi naman necessary na bangga ang eksperimentasyon/pagrisk sa pagsakay sa panlasa ng masa sa “present conditions.” Syempre hindi lang panlasa kundi pangangailangan din. Halimbawa yung mga gawa ng ST Exposure. Masasabi sigurong malaking risk ang ginawa nila sa paggawa ng “alingawngaw”, at hindi lang ito risk na mamatay, kundi risk na baka di pansinin ng “indie film community” dahil sobrang pulitikal. pero andun yung pangangailangan (i.e. expose militarization, rights abuses etc), kaya naging patok sa mga nanood nito, lalo na siguro sa masa na apektado ng milit.

Ganun din si Brocka, na minsan, nadadramahan ako masyado sa mga pelikula niya. Pero yun naman ang kinasanayang mga pelikula/istorya ng masa ngayon, diba – melodrama?
Di ko rin maisip kung papaano ilalapit sa masa ngayon ang mga pelikula ni Lav Diaz, maliban na lamang kung pumayag siyang magfilm showing sa isang urban poor community ng “Ebolusyon” o kahit “Kriminal ng Baryo Concepcion”. In which case, handa ba ang masa na tanggapin/ma-appreciate ito? E kung sa ngayon, di sila sanay sa mahahabang pelikula pero nasusundan naman ang araw-araw na telenovela / koreanovela, baka mas mabuting ipalabas muna nang patsi-patsi o per episode ang “ebolusyon.” In which case, baka ma-hurt naman si Lav Diaz kung kakatayinang gawa niya.

Naisip ko lang, sa ibang bansa rin, malaking debate rin ang merito ng mahahabang pelikula. si Krzysztof Kieslowski, mahilig din sa mahahabang istorya. Pero hinahati-hati niya ang mga kwento para medyo edible sa manonood. Ang pinoy naman, mahilig rin sa “itutuloy”, batay sa hilig natin sa komiks, radyo, telenobela, etc. Diskartehan na lang ng filmmaker kung papaano mapapanood ang seryosong kuwento niya pero at the same time magiging aksesible sa marami.

Sig Sanchez: Naaalala ko na naman yung panahong hayskul ako at nag-misyonaryo pa sa Vietnamese refugee camp sa Palawan. Pagbalik ko, nagbuo ako ng banda at tumugtog sa simbahan. rock ang dating. Nabwisit sa akin ang simbahan kahit na may tungkol sa “god” and “heaven” ang kinaskas namin. Nabwisit din ako sa sarado nilang utak kaya umalis ako. pati mga kalase ko at mga kabanda na mga anak ng pastor ay sumang-ayon na hindi bagay ang rock sa simbahan, lalo na ang tunog ng drums. One year after, nauso ang Eraserheads. Nasa Rock N’ Rhythm na ako nun dahil dun ko nahanap ang mundo ko.
Pagsilip ko ulit sa simbahan, may drums na sila at nagra-rock na ang mga kabataang iniwan ko noon na ayaw mag-rock. Kasi uso na. cool na. Mas lalo akong nabwisit. Sabi nga ng Eraserheads and still one of my favorite line sa isang kanta, “Pinilit kong iahon ka… pero ayaw mo namang sumama…” Ganun din siguro sa mga pelikula ngayon. Kailangan lamang maging “cool” manood ng mahahabang pelikula para maintindihan.

Siguro kapag sinabi ni mark herras o ni Jennylyn Mercado na mahilig silang manood ng mga pelikula ni Lav Diaz o kaya ng ibang filmmakers na may kakaibang istilo ng pagkukuwento ay saka lamang magsusunuran lahat dahil “cool”. Dati rin naman walang pumapansin sa indie films. Dinidismiss nga ang mga indie filmmakers na mga “dark” ang pelikula na laging may nagpapakamatay o mamamatay. E ngayon, dahil nauso, ang indie filmmakers ang mga bagong rockstars ng panahon (galing ata yang linyang yan ke lav din. ewan ko na…). hindi naman magkakaroon ng diskursong ganito, say, five years ago. dahil uso, masarap pag-usapan at pagtalunan. next year, baka di na uso. iba naman. Di na pag-uusapan. baka tungkol naman sa mga pelikula nina Kiri at King ang mauso. Baka next year, mas cool namang manood ng mga rebolusyonaryong pelikula. Ewan.

Malay lang. o baka mauso ang mga pelikulang tulad ng D’Anothers. Ewan…

Dada Nartea: Papa sig, true, true true! timing rin naman minsan din ang . Hmmm, kakaiba ha, habang alam mo naman ang pagka-diehard E’heads fans namin dati (at loyal RNR readers, hehe sana nakita mo kung paano n’yo sinira ang aming adolescent world views sa Makiling), yan naman ang aking pinaka-ayaw na linya ng sa mga kanta nila. Kase feeling ko feelingero sila sa puntong yan – sinasabi nila, mas nakakababa ang masa sa kanila.#

One Comment leave one →
  1. eto kasi iyon, e permalink
    25 Mar 2010 2:48 pm

    La lang, pero hindi kaya tong mga ‘long shot’ shit e sumasalamin lang sa sikolohiya nung mga burgis na nagreresort sa ganito. Kung saan tipong pasensiyahan na lang, wag nang makialam, at tanggapin na lang ang mga pangyayari ? Yung uri ng cinema kasi na iyan e tipong celluloid equivalent ng apatetikong nalulunod sa kawalan. Hindi ‘cool’ kundi ‘brain deds’.

    Pugad naman talaga ng mediocrity ang indie film scene ngayon, e. Lalo na yang putang inang Cinemalaya. Kung hindi pinamumugaran ng overblown travelogues, puro yuppie douchebaggery at queer/poverty porn shit. Paano magiging ‘experimental’ mga iyan, e ultimo grasp sa sophistication, possibilities at functions ng film e WALA ?!? Sa bagay, insulated sa anumang riyalidad, so ano pang kanilang proproblemahin, di ba ? Ano pang kanilang ihahangad ? Ano pang kanilang iisipin ?

    Yan ang pelikulang Pinoy na nagiging ‘status symbol’ na lang ng mga elitista, tinatanggal sa kamay ng mga manonood, at WALANG KINALAMAN SA TAO.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: